Sunday, October 19, 2008

AMPUNIN KAMI, STA. URSULA

Ngayon, ika-20 ng Oktubre, ay bisperas ng fiesta ni Sta. Ursula. Tiyak na siksikan na naman, na animo'y hindi mahulugang karayom, ang ating palengke sa dami ng mga mamimili ng panghanda. Natural na kasi atin na kahit anong hirap ng buhay ay talagang ginagawan ng paraan upang mairaos man lamang ang kapiyestahan. Iyon ang kaugaliang ating kinamulatan na isang paraan ng pagpupugay at pagpapasalamat sa ating Mahal na Patron.

Para doon sa mga Kababayan natin na matagal nang napalayo sa Binangonan, natatandaan n'yo pa kaya ang awiting patungkol kay Sta. Ursula?

Sa aming palagay ay maaaring mas nakararami na ang hindi nakakatanda sa kabuuan o kahit bahagi man lang ng awiting iyon. Kung kaya't aming minabuting ilathala ito bilang isang pagsariwa at pagpapaalaala.

Tingnan ang mga titik ng "AMPUNIN KAMI, STA. URSULA" dito.

No comments: